Mark This
The Philippines will swallow all the wicked, to be no more
©seraiah_smiles
#Philippines
395 posts-
seraiah_smiles 13w
#The #Philippines #ThePhilippines what is The Philippines?
It is the country itself and each one that lives to love.
Pag-ibig ang siyang Lupang Hinirang, Ang Pilipinas!2 1seraiah_smiles 13w
(Mina De Ores?) The Pearl Personified, I Am-
what? am i a
datu
or a
rajah
or a
sultan
or a
king
or a
prince
or a
herald
or a
messiah
or a
or a
or a
a
a
a
a
b
b
b
c
c
d
e
all of the above
(especially of The Philippines)
.
.
.
©seraiah_smiles1 0seraiah_smiles 13w
#PH #PHilippines
#LEVEL #Max
Itabi niyo, in the deepest level, ako na ang mamamahala sa pagsasaayos ng Pilipinas.
(Shushhh, it's our secret.)
★ ★ ★Ako Na...!
Ako na ang Direktor sa susunod na halalan.
HALALAN 2022 PH. (PHilippines)
©seraiah_smilesPhoto By Najmul Hasan on Unsplash3 2-
seraiah_smiles
Mag do-do Thou Direct ako nang mag do-do Thou Direct...
and govern all and sway... LOL - seraiah_smiles Si Leni Ang Panalo
puno
umpisa na naman pala
nang lokal na kampanya
marami na naman ang sakin ay lalapit
at walang pakundangang magkakabit
nang mukha ng mga kandidato
na hindi ko naman gusto
kabisado ko na lahat ang apelyido
nang mga laging natakbo
nang mga nagpapalitan lang sa pwesto
at nang mga buwaya at trapo
meron ding kunyaring nagmamalasakit
sa gabi'y tinatanggal ang kinabit
nang kalaban nilang partido
sabay palit ng kanilang pambato
kaya tumigil na ako sa pagasa
hindi narin ako naniniwala
wala naman natupad sa kanilang mga pangako
napuno lang ako ng pako8 0pintig
malimutan man
nang isipan
ang mga salita
at hindi na
makagawa ng tula
ipapaalala ng puso
ang bawat kataga
at paulit-ulit
sasambitin ang pagibig
sa kanyang bawat
pagpintig10 0work from home
natapos na
ang maikli nating pagsasama
maraming salamat
sa mga alaala
tuwing papasok araw o gabi
salamat sa pagiging
tahimik at kalmado
para mawala sa isip ang pagod
at matapos ng maayos ang trabaho
ayoko na sanang umalis
at bumalik sa magulong mundo
pero patapos na ang pandemya
kaya kailangan na kitang lisanin
at muling mapagod sa pagsuong
sa laban ng buhay
hanggang ako'y muling makauwi
at tayo'y magkitang muli6 0kyiv
sa paglaban
nang abang sundalo sa giyera
habang sya'y walang patid
na bumabaril
hawak nya ng mahigpit
ang kanyang armas
na tila rosario
at wala ring patid
ang kanyang pagdarasal
na sana'y matapos na ang labanan
at manaig na ang kapayapaan
pero tila hindi na naririnig ng diyos
ang kanyang dalangin
dahil sa lakas
nang mga pagsabog sa paligid
kaya sa huling sandali
nang abang sundalo sa giyera
habang sya'y walang patid
na binabaril
hawak nya ng mahigpit
ang kanyang rosario
at kanyang pinagmasdan
ang ganda ng paligid
langit ay bughaw
araw ay dilaw
at pula ang kulay ng nyebe5 0zombie
totoo ba ang balita
na meron daw umatake
hubad baro, mata'y nanlilisik
sa dugo ay sabik
hindi pa naman nobyembre
para sya ay manakot
naapektuhan din kaya sya ng pandemya
kaya maaga syang nagpakita
pero buti nalang at nakaligtas
ang kanyang biktima'y nakaalpas
at sya'y agad na nasakote
mata'y nanlilisik, hubad baro
at sa alak ay lango3 0talpak
nagkayayaan
dumayo ng sabungan
hindi alintana ang pandemya
basta kasama lahat ng tropa
bitbit manok na pula
kanya kanyang delihensya
para may pamparada
pati bato at panabla
todo sa manok na pula
ngunit bakit tila nadehado
iba ang sigaw ng kristo
ganito palang magsugal sa impyerno
hindi na makakabawi
hindi narin makakauwi
dahil buhay ang kailangan ipusta
para sa manok na pula8 0untitled
bongbongs are red
isko's whites are blue
lenis are pink
and the rest has no hue4 0hindi bakunado ang poong nazareno
hindi ba ako pwedeng lumabas
kahit isang araw kayo'y makadaupang palad
gusto kong muling maramdaman
ang inyong haplos at halik
gusto kong muling mapakinggan
ang samo nyo't dalangin
mga mahal kong deboto
kamusta na kaya kayo?
si aling nena
na nagtitinda ng sampaguita
para may pangsuporta sa kanyang asawa
na taon-taon nyang dinadalanging
na sana ay gumaling pa
sa sakit na cancer
ganon din si mang usting
at ang kanyang anak na preso
na taon-taon nyang pinagdarasal
na sana ay magbago
at muling makalaya
at pati narin kayong lahat
na may dinadalang mabigat
ngayon pang may pandemya
na ang tangi lang nais
ay makasama ang kanilang poon
at magkaroon ng konting pagasa
kahit isang araw
sa loob ng isang taon3 0philippines_2021
sa pagsisimula ng taong ito
tuloy ang pandemya
namatay si pagasa
bagong covid variant
talo si donald trump
nakarating tayo ng mars
nagsimula ang bakunahan
isang taon ng lock-down
nagsulputan ang community pantry
fried towel ng jollibee
maraming namatay na sikat
masmaraming namatay na hindi sikat
nahulog sa langit si hercules
nagalit muli ang taal
naglaban-laban ang pdp laban
apat na medalya ang napanalunan
natalo ang pambansang kamao
pharmally anomaly nabisto
president for vice president
vice president for president
senator for president
mayor for president
president for senator
dalawang maya ang lumipad sa kalawakan
bagong covid variant
bagyo nanalasa bago ang kapaskuhan
tumulong ang mga kandidato
nagpaulan ng pera si mayor
at may tumakas para magparty
sa pagtatapos ng taong ito7 0may pasko sa gitnang silangan
ramdam na sa lamig
ang panahon ng kapaskuhan
kahit dito sa lugar ng disyerto
kung saan hindi ito pinagdiriwang
tapos ng iluto ang mga pagkaing paborito
nagpapaalala sa bansang nilisan
tapos naring magdasal ng pasasalamat
sa pagiingat sa pamilyang iniwan
at sa pagdating ng hating gabi
nagliwanag muli kahit walang parol at christmas lights
dahil sa sama samang ngiti
nang mga kababayan bumabati
naibsan ang pangungulila
sa mahal sa buhay na malayo
sa pagsasama sama
nang mga magkababayang hind magkaano-ano
na pilit pinapasaya ang isat isa
sa lugar na hindi kilala ang pasko7 0we find ways
malapit na ang pasko
ramdam na ang lamig
mapalad tayo at kahit pandemya
may naipon parin para sa pamilya
hindi na kailangang magbanko
para makita ang inipon
kahit nasa bahay kaya ng gawin
gamitin lang ang iyong cellphone
hindi narin kailangang lumabas
para bumili ng kahit ano
umorder at magbayad lang online
at ito'y idideliver na sayo
pero ako'y nanlamig
nang makita ang isang mensahe
ang pinaghirapang pagipunan
nalimas lang ng biglaan
ngayon pa namang malapit na ang pasko
sinong kumuha ng pera ko6 0ladywillow 28w
I'm sorry
I did my best to unlove you
and I failed...
©ladywillowPhoto By Ansie Potgieter on Unsplash12 0anti_terror
lalaban sa maghahasik ng takot
pero bakit tila mas marami ang natakot
nang ito'y maipasa
at ganap na maging batas
labag daw sa konstitusyon
ang mga nakasaad
sa kanyang probisyon
maaring ito daw ay gamitin
laban sa nasa oposisyon
pero wala naman daw dapat ikabahala
kung hindi ka naman masama
ito'y para lang sa kalaban
nang estado at ng gobyerno
ngayong ito'y naipasa
at ganap ng naging batas
sana tayo'y hindi matakot
bagkus maslalong maging matapang
para ipaglaban ang ating karapatan
nang hindi na maulit
ang madilim na nakaraan7 0covid_christmas
nabuhayan ang lahat
nang muling payagang lumabas
dahil bumaba na ang mga kaso
sakto sa pagdating ng pasko
nagliwanag muli ang pasyalan
dahil sa christmas lights at parol
sumaya muli ang pasyalan
dahil sa pamilyang nagdatingan
inareglo na ang kakantahin
nang mangangaroling
inihanda na ang puto bungbong at bibingka
nang aleng magtitinda
sa gabi gabing misa
may tema na ang christmas party
nang kumpanyang nakapagbukas muli
at natapos na sa pagiimpake
ang ofw na makakauwi na muli
ngunit mayroong muling umubo
at nagulantang na naman ang mundo
nagbabadya na namang maghigpit
sakto sa pagdating ng pasko9 0huwag kikibo anak ng diyos ang hihipo
gusto mo bang matupad ang hiling?
lumapit sa aking piling
gusto mo bang dinggin ang dalangin?
sundin lahat ng aking sasabihin
gusto mo bang gumaling ang sakit?
mga mata mo'y ipikit
gusto mo bang sa kasalanan maligtas?
magpaubaya wag pumiglas
gusto mo bang makarating sa langit?
hubadin mo na ang iyong damit
gusto mo bang hindi maparusahan?
bigyan mo ako ng kaligayahan
katawan mo'y ialay
alang alang sa pananampalataya
magbigay sakin ng papuri
kapalit ang iyong puri10 0arroceros
kanlungan ng ibong
palipad lipad
nang paikotikot
sa buong siyudad
luntiang kagubatan
sa gitna ng lungsod
dala ay ginhawa
sa katawang napagod
ngunit isang araw
ito'y nagbago
halaman at puno
napaltan ng semento
wala nang luntiang kanlungan
sa gitna ng lungsod
paano na ang ibon
pag sya ay napagod8 0juan dalang cruz
nakapanayam si juan
habang sya ay namimili sa palengke
tungkol sa hindi mapigil na pagtataas
sa presyo ng gasolina at kuryente
at ito ang kanyang sinabi
"mataas na gasolina
sakin ito'y walang epekto
kasi wala naman akong auto
gamit ko lang ang aking mga paa
sa pagpadyak nitong aking bisikleta"
"mataas na singil sa kuryente
ako'y hindi madadale
kasi sa gabi sanay na ako sa dilim
kandila at pamaypay ang aking kapiling"
at nanlumo si juan sa taas ng bilihin
halos wala ng mabibili
ang kakarampot nyang sweldo10 1-
__anjalijha
Hey well penned!!
Would you like to work as a co-author in our new book.... If you're interested then you can contact us... but this offer is only for Indians..
Details: Instagram I'd: miss._little._poet
I hope you'll not lose this great opportunity!!
Have a great day !!
Thank you !!