ravenhuntress

half introvert, likes watching rains, loves to travel (but no to ships), loves singing, arts, milktea, and coffee

Grid View
List View
  • ravenhuntress 87w

    Unchained. Uncounted.

    #freedom #colors

    Read More

    Untitled #00

    I am a human being and I am
    Bound to make mistakes
    Ever imagined
    In the land of the living and
    The dead.

    I am a human being and I am
    Bound to drive this wheel of life
    Frantically
    To any directions I deem to find interesting.

    I am a human being and I am
    Bound to make lies
    To make my life better or for worse
    To be able to cope up with how the world stinks
    With lies
    And broken promises.

    I am a human being and I am
    Bound to be different,
    Unique.
    A stone in the middle of the top
    Of a raging waterfall,
    A kite flying in a different course against the wind.

    I am a human being and I am
    Bound to be colorful.
    The world of static and black and white has perished in my eye
    As we sparkle glitter and glamour
    In the streets of our times.

    I am a human being and I am
    Bound to be loved
    In every way I can offer
    And in every flaws I can give.

    I am a human being and I am
    Bound to live in the moment
    And love someone to the extremes
    And be scare
    And be feared
    And be powerful
    And be forever be existing
    In the minds of many.

    --ravenhuntress (D.C)

  • ravenhuntress 88w

    Panibagong simula't nangungulila pa rin sa iyong yakap.

    Read More

    Mga Iskolar

    Sa mga pasilyo ng lumang paaralan:
    Bakit tunay akong nalulumbay sa iyong halik?
    Bakit ang init ng iyong yakap ang aking napapanaganipan tuwing gabi?
    Sa bawat tuklap ng pintura
    Sa bawat gilid ng pintuan,
    Nakaukit ang mga istorya
    Ng mga iskolar ng bayan.

    Sa mga upuan ng bawat silid-aralan:
    Patunay nga bang ang iyong dumi
    Ay kaakibat ng mga ningning ng mga medalyang amin ngang naiuwi?
    Tunay nga bang ang bawat marka, guhit, at salitang nakaukit sa lumang kahoy
    Ay mga nawawalang istorya ng mga multo ng nakaraan?
    Sa bawat kahig, surot, kirot, at poot
    Sa bawat hinaing, pighati, pananabik, at pagsinghap sa mga asignatura,
    Saksi ang bawat upuan sa mga nagtatagong kabog ng dibdib
    Sa tuwing may kaganapan sa silid-aralan.
    Bakit kita lubos na naiisip,
    Gayong ika'y luma na't inaanay sa isang gilid?

    Sa mga Pisarang nangingitim gawa ng dumi at tinta:
    Bakit ika'y pinipilit sulyapan kapag napadaraan sa mga pasilyong sarado na?
    Bakit pilit kang binibigyang-pansin kapag nakakapit na sa bintana ang mga hinabi mong mga pangarap?
    Ang sintang paaralang, ang init ng impyerno, ang sigaw ng mga nagwawalang estudyante,
    Ang pagkamot sa ulo, ang pagkadismaya ng mga guro,
    Ang mga latay ng kahapon, ang iyak ng mga taong nasaksihan mo,
    Sino ka nga ba sa mga nagdaang panahon?

    Sa mga silid-aralan ng sintang paaralan:
    Kailan nga ba kita huling nakita?
    Kailan ang huling pagtapak sa mga salitang pilit kinalimutan?
    Kailan ang huli mong linis gamit ang tawa ng mga mag-aaral?
    Kailan ang huling kusot sa mga telang iniwan ng mga nangangarap?
    Kailan kita huling sinabihan ng mura,
    Ng mga pangako (uli),
    Ng mga singhal,
    Ng mga kinapos na pagsisikap?

    --ravenhuntress (D.C)

  • ravenhuntress 101w

    Word Prompt:

    Write a 3 word short write-up on Abode

    Read More

    A safe place

  • ravenhuntress 102w

    266

    Orihinal na teksto. Minamahal kita.

    #Filipino #Pilipinas

    Read More

    Kape at Almusal

    Tulog na, Pilipinas
    Maaga ka pang gigising bukas
    Ihahanda ni Inang Bayan ang
    Kape at almusal bago ka tuluyang
    Umalis,
    Humikbing muli
    Papunta sa iyong paroroonan.

    Tulog na, Pilipinas.
    Maaga ka pang sasabak sa giyerang
    Inihanda ng mga anak mo
    Upang malubak nang lubusan ang lupain mong kay ganda
    Na hindi sasapat upang sila'y mahalina.

    Tulog na, Pilipinas
    At subukang managinip
    Ng wala ang mga buwayang nakaupo sa trono,
    Mga anak mong hindi naghihirap,
    Mga elitistang benipisyaryo
    At mga martir na hindi kailanman napugutan ng ulo
    Dahil sa pagsasalita nila
    Dahil ipinaglaban nila ang karapatang nararapat lamang sa kanila.

    Tulog na, Pilipinas
    Habang inuuyayi ka ng hikbi ng
    mga bayaning nanalaytay sa iyong dugo
    Sapagkat hindi nila kailanman nakitang
    Tunay na sumikat ang araw patungo sa kaunlaran ng hinaharap.

    Tulog na, Pilipinas.
    Hayaang manatili ang mga sakit
    Lagyan ng gasera ang sugat
    Upang mawala kahit papaano ang kirot at hapdi

    Pero ginigising ka na
    Ginigising ka na
    Gigisingan ka na
    Ng mga ingay ng mga naghihinagpis
    Ginigising ka na
    Ginigising ka na
    Gumising ka na
    Gising na, Pilipinas!

    Unti unti ng nauupos ang mga lahing pilit kang ipinaglalaban
    Pinipilit kitang maging malaya
    Pinipilit ka ng mga maralitang ipaglaban
    Kailangan ka na ng mga nasa laylayan
    Kailangan ka ng mga manggagawang naapi,
    Kailangan ka ng mga niyuyurakan ng mga elitista,
    Ng gobyerno,
    Ng militar,
    Ng mga kapitalistang walang ginawa kundi
    Humanap ng perang mapaglilibangan
    Gumising ka na, Pilipinas.
    Oras na para sumilay ang ngiti mong kay tagal na naming inaasam.
    Oras na
    Upang
    Gumising
    Ka.

    --ravenhuntress (D.C)

  • ravenhuntress 102w

    265

    Muling paghikbi.

    #mirakee #Filipino #Payaso

    Read More

    Payaso Laban sa Manggagaway

    Wika
    Kultura
    Manggagawa
    Ay hindi manggagaway
    Dahil lang sa sila ay nag-iingay sa kalsada
    Sa tuwina, nakikita natin silang
    Malapit nang maputulan ng hininga sa
    Pagod na kanilang dinaranas sa araw araw
    Sa pagrerepaso
    Ng kanilang mga pangarap
    Na maging regular na manggagawang
    Kumakaway sa isa't-isa araw-araw

    Nagtatrabaho si Mang Tonyo
    Sa ilalim ng araw gamit ang sakahang
    Pinamana sa kanya ng kanyang ama
    Ngunit hindi sa kanya nakapangalan ang papel.
    Hindi palay ang sinasaka niya
    Kundi mga basura mula sa mga lupang
    Tinubuan ng bahay
    Hindi para dugtungan ang kanilang buhay
    Sa halip ay kitilin ito, dikdikin

    Hanggang magkasya ang kanilang mga dugo
    Sa isang botelya ng ketchup
    Sa pabrikang pinapasukan naman
    Ni Mang Goryo, isang nangangarap.
    Sa isang pabrika na pinamumunuan
    Ng mga bampira
    Na kinukulayan ang mundo ng tamis
    Ng pulang dugo
    Mula mismo sa kanilang trabahador.

    Inaalila, inaalipusta
    Kumikiling lamang ang hustisya sa may kaya.
    Mayroon lamang tenga ang husgado
    Para sa mga tumutunog na bulsa
    Ang ingay sa kalsada, para sa may upuan
    Sa gobyerno
    Ay katunog lamang ng muffler ng mga motorsiklo,
    Nakaiinis
    Ngunit hindi binibigyang pansin.

    Ang hustisya sa manggagawa:
    Hindi pa ba sapat na mawalan ng trabaho
    Upang mas makamkam ng mga kapitalista ang sweldo?

    Ilang pamilya pa ang magugutom,
    Mamamatay,
    Makakamkam,
    Lalamunin ng lupa
    Bago maibigay sa kanila
    Ang nararapat?

    Wika
    Kultura
    Manggagawa
    Ay hindi manggagaway
    Upang lokohin ang lipunan
    Na nagsasabing sila ang tunay na sakit
    Na pinipiling bigyan ng malasakit
    Ng gobyernong pasismo.
    Sila ay mga manggagaway
    Na siyang gagamot sa tunay na sakit ng lipunan
    Upang tanggalin ang mga patuloy na kumukontrol;
    Ang mga payaso,
    Sa mga nagmimistulang papet ng lipunan,
    Wika
    Kultura,
    Mga manggagawa.

    --ravenhuntress(D.C)

  • ravenhuntress 102w

    264

    Baka mawala sa isipan.

    #Filipino #Pilipino #Padayon

    Read More

    Padayon, Pagsulong

    Gusto lang namang may makinig
    Sa mundong bingi ang mga nakaupo
    At bulag na ang mga nakatayo.
    Habang nagdidilim ang kalangitan,
    Panay bwelta ang mga mamamayan
    Upang kahit papaano'y
    May mapamot man lamang
    Sa kasisigaw para sa katarungan.

    Gusto lang naming may makinig
    Sa amin,
    Habang binubugbog ng mundo
    Ang balikat na puno ng hinagpis
    Kasabay ng mga dayami galing sa palayang
    Inuupahan ng mga mismong may-ari.

    Gusto lang naming may makinig
    Sa mga hinaing
    Na inilalatag sa hapag-kainan ng
    Mga maralita
    Sa halip na bigas at tuyo,
    Sa halip na bala at kanyon,
    Sa halip na dugo at tama
    Ng mga baril
    Kapalit ng kalahating bigas
    Ng paghihinagpis.

    Gusto lang naming may makinig
    Sa panlilimos ng atensyong
    Hindi makamit.
    Tunay nga na bulag na ang hustisya
    Sa aming mga mabababa.
    Hindi sa maralita ang kalinga
    Kundi sa mga may pantapal sa kanyang bibig
    Na salapi
    Kahit na kami'y nakatayo na ng tuwid,
    Hinagpis pa rin ang aabutin.

    Gusto lang naming may makinig
    Sa mga mandirigmang pinutulan ng pakpak,
    Sa mga anghel na laging nakayapak,
    Na iniwan ng tunay na Diyos ng Mangggagawa,
    Mula ng ibinenta sa Demonyong mangungubra ang lupa.

    Gusto lang naming may makinig
    Upang matapos na ang paghihingapis,
    Ang paghihintay sa wala,
    Bigyang kasagutan ang mga hiniling
    Noong nakaraang dekada,
    Noong nakaraang maayos ang mga naging usapan,
    Noong tao sa tao pa ang kaharap,
    At hindi pa mga reptilyang
    Nangangalumbaba sa pera.

    Dinggin,
    Dinggin ang panalangin.
    Dinggin,
    Dinggin,
    Mga panalangin sa hangin.
    Dinggin,
    Oh Diyos na mahabagin.
    Dinggin,
    Dinggin
    Padayon.
    Totoo pa ba ang langit?

    --magnusethereal

  • ravenhuntress 104w

    Word Prompt:

    Write a 6 word one-liner on Blame

    Read More

    I never not neglected my existence.

  • ravenhuntress 104w

    263
    Go back, self. And assess.

    Read More

    Cravings

    It has been eons
    Since I last took a step on that soil.
    That piece of land on whom
    I curse everyday for being the "hell" that I wanted to leave,
    Because it gave me the least thing I prioritized: self- love and existence:
    From being the nest of true labor,
    For opening my hundred eyes to the real world.
    How I miss the old world,
    On which the very best was being honed
    And the latter comes in
    And comes out with their unique colors
    Embedded in their studded embellishments,
    On their newly tinted self portrait.
    I missed being in my element,
    The fire-like heat,
    The water freely giving its soul to those who are thirsty,
    The arid air,
    And those dusty soils.
    I may never take a step back from it,
    Now that I have chosen to believe
    And leave.
    I may not be able to cross another path
    Without second guessing that
    That place earned me a lot.
    I may not be able to move forward
    Without those memories carried by my own heart.
    This hormones aren't raging anymore.
    I
    Crave
    That
    Place.

    --magnusethereal

  • ravenhuntress 118w

    Word Prompt:

    Write a 8 word micro-tale on Journey

    Read More

    Arriving at Neverland has never been this easy.

  • ravenhuntress 118w

    262

    A back story.

    #memoirs

    Read More

    Cardiac Notch Depression

    He lurks in the darkness. Waiting for someone like me to be vulnerable enough to penetrate within. My grammar lapses are his first warning that he'll be coming straight to me. The second was, I don't really felt and knew it but, it must be some glimpses of him in my own accord.
    He lurks in the darkness and he spies at me every single day. He keeps on gnawing and growling for my flesh. My neurons are his most exquisite steak in rare. I am his reservoir, a body filled with nothing but masked humor. I am his peace and he is my insanity.
    He lurks in the darkness. He visits me often like little red riding hood does with her grandmother. As I walk down the path, he watches and stopped me abruptly to check if I am sad enough to hold unto him. And we started to had this conversation about dreams, insecurities, and what it is like for me. He gained my trust and, with all my foolishness, I trusted him to be the anchor of my brain. And damn, I was drunk with his intelligent. And maleficence.
    He lurks in the darkness. And so am I. I am him. He is me. We are sharing a body not fit for this society. And he is happy about it. I hope he doesn't get too drunk of sadness. He somehow breathe my insecurities to make it more painful. And i became dull, a complete fool, disoriented, and anxious because of it. I hope he leaves, again.
    And when he leaves, i will live. And somehow, the cycle will be on again. And once I became vulnerable once again, he will devour me. But at this time, he will eat me like what he did to little red riding hood's grandmother. And I can't stop it.
    And it hurts. As he lurked in the darkness, I ache for him to fill me. I am made of nothing and he is the only one who will be so willing to embody my non-existent confidence to live. He empowered my motivation. To live. But with sadness and tranquility. I miss him.
    He used to lurk in the darkness. Until I accepted him like how he accepted me. Whole. Enough. To Devour. Our. Last. Words. Him and I flied to somewhere. Him and I are inseparable. We are dauntless. We are one. We are everything made out of darkness.
    I used to lurk in the dark. And here I am, typing and revising this work. For her. Who died years ago. Inside me. And I am the one who used to lurk in the dark. Somehow and somewhere, I will leave this body. And you will be the next one I will lurk into.

    -ravenhuntress(D.C)